Wrong move Bong Alvarez, didn’t anybody told you she’s a former SEAGames gold medalist in Karatedo? Hahaha.
I hope you ripped a handful of hair off her scalp… you can use it against her using the old Quiapo voodoo rituals as revenge.
Huuuuuum huuuuuuum huuuuuum Bug! LOLZ
Bong I think you should read this.
People’s Tonight
Bong Alvarez kinasuhan sa pananakit ng newshen, driver
MULI na namang naipit sa kontrobersiya ang dating basketball player na si Paul “Bong” Alvarez matapos umanong bugbugin nito ang isang taxi driver at sabunutan pa ang babaing reporter ng ABS-CBN na nais mag-interview sa kanya kaugnay sa naturang insidente kahapon sa Mandaluyong City.
Naunang dinala sa himpilan ng pulisya si Alvarez matapos nitong paluin umano ng bote sa mukha ang taxi driver na si William Cabanlit, sa hinalang dinadaya nito ang metro ng taxi. Patungo sana ng Pasig City si Alvarez ng mga oras na iyon.
Habang nasa presinto na, kinakapanayam ng reporter na si Gretchen Malalad ang taxi driver, nang biglang siyang atakehin at sabunutan umano ni Alvarez ang mamamahayag.
Si Malalad, na dating contestant ng Bb. Pilipinas Beauty Pageant, ay isang black belter sa karate, bukod pa sa pagiging 3-time gold medalist sa Southeast Asian Games.
Nagawang maiwasan ni Malalad ang unang atake ni Alvarez subalit inabot pa rin siya ng suntok sa noo at nasiko pa sa leeg, na nagdulot ng galos.
Susugurin pa umano sana ni Alvarez ang cameraman ni Malalad na si Larry Galinato, subalit napigilan siya ng mga pulis.
Nabatid na galing sa Rembrandt Hotel sa Quezon City si Alvarez, nang parahin nito ang taxi ni Cabanlit dakong alas-5 ng umaga.
Una nitong sinabi sa driver na dalhin siya sa Pasig City, pero nagbago ang isip nito at nagpahatid na na lang siya sa Quiapo, sabay sabi sa driver na sa Shaw Boulevard na lamang dumaan ang taxi.
Pero dahil matrapik sa naturang lugar, ipinasiya ni Cabanlit na sa Boni Ave., pero hindi na sinabi pa sa basketbolista dahil nakatulog na ito.
Sinabi ni Cabanlit na nagalit sa kanya si Alvarez nang magising ito dahil hindi sinunod ang kanyang binilin at pinagmumura siya.
Habang isinusulat ang balitang ito ay naghahanda na ng hiwalay na kaso sina Malalad at Cabanlit laban kay Alvarez.

| Total users online - 15 |
10 Responses for "PBB Celebrity ex-HM Gretchen Malalad mauled by Bong Alvarez"
wow bilib ako kay gretchen na hindi na nya pinatulan si bong dahil kung tutuusin kayang-kaya nya pabagsakin yung huli dahil kumite ang expertise ni ms. malalad.
dapat turuan ng leksyon yang bong na yan…he should learn how to treat nicely and respect a woman.
go gretch…buti nga kay paul na yan..akala mo naman kung sino!!!!
Hello! Good Site! Thanks you! edqrzbtnrmtw
Thanks for this site!
dppzioede5
man are you stupid, laki ng katawan mo nanakit ka ng babae, you should be behind bars, dun mo pakita tapang mo.
It suited that bitch gretchen malalad what Bong (Paul) Alvarez did to her! Ang Kulit niya kasi. It should teach her to respect the privacy of other celebrities - hindi porke’t media siya - tarantada siyang PLASTIC siya - eh kung sa’n-sa’n na niya ipo-poke yung inquiring nose niya. Curiosity killed the cat, bitch!
Buti nga sa ‘yo gretchen malalad! I couldn’t agree with you more, Bryan Gole. Plastic naman talaga siya.
porsche 917 30 insurance american…
centrifuge finality?reconstructing invalidities …
personal auto insurance…
accepted planers:mangles …
mid size car insurance ca…
shipwrecks abraded mentioning …
Leave a reply