Hindi ba kayo nagtataka at malapit na ang Final Night ng Pinoy Big Brother Teen Edition at tila natigil ang pag-aannounce ng audition schedule ang ABS-CBN para sa Season 2 ng Pinoy Big Brother? Di’ ba nga dapat ay, araw-araw na ang pagpapaalala nila sa mga nais sumali sa pangalawang season?

June 3 ang Final Night ng PBB Teen Edition at ito’y gaganapin sa bAliw Theater. Pero marami na ang alingasngas (ano nga bang term yun?) na mapopostpone ang Season 2 na dapat ay maguumpisa na ngayong Agosto. At ang ilang mga susunod na audition ay makakansela na din alinsunod nito.

Picture: Sharon Cuneta, Aga Mulach & Laurenti Dyogi

May mga nagsasabing, aalis si Direk Lauren Dyogi papuntang Estados Unidos para pagtuunan ng pansin ang paggawa ng pelikula sa pagbabalik tambalan ng dalawang pinakamalalaking artista ng ABS na si Aga Muhlach at Sharon Cuneta. Alam ng nakararami na si Direk Lauren ang kabuuang utak na nagpapatakbo ng Big Brother Edition dito sa Pinas. At kapuna-punang ang kawalang pahinga sa sunod-sunod na edition ng PBB at napigil na rin si Direk Lauren sa ibang proyekto.
(Sa pagitan pa lang ng Season 1 at Celebrity Edition - hindi rin nakapagpahinga si Direk Lauren Dyogi dahil sa Wowowee tradegy. Kung ating naaalala ang “katulong ni Big Brother” ang unang nakipag-usap sa mga Celeb housemates.)

Kung matutuloy ang postponement ng PBB Season II, malamang Septyembre o higit pa ang pagpapalabas nito. I doubt it’s a good PR stuff kung pangPR nga lang, dahil pagnasapawan ng ibang palabas ang PBB.. no point in getting the show back to biz.
Hmm, Direk Lauren… ano nga ba talaga kuya?