Happy Mother’s Day sa aking butihin at sobrang sipag na mommy at sa aking Lola!! Binabati ko din ang mga nanay na bumibisita sa aking website kay Cathcath, at sa mga aking mga kaibigan na mga “mudra, nanush, mader” na, hahaha kita kits na lang tayo alam ko miss nyo na ang wafu! Kay PBBTE housemate Jamilla (special request yan di ako, ahaha).
San nga ba nag-umpisa ang celebration ng “Mother’s Day” (at bakit naman hindi diba?) Eto ang trivia dyan. Bukod pa man, kahit saan pa man o kailan nag-umpisa ang okasyong ito o hindi, lagi nating alalahanin ang ating mga ina.

Mga ilang paraan para maipahiwatig ninyo sa inyong mga ina na sila’y mahal niyo! Ito lang nama’y suhestyon at hindi nag-iisa na ninyong option para maka-iwas sa gastos ha! Pero kung sadyang kapos sa oras o pera, eto:
POST IT
Kung may mga Post It kayo (yung kadalasang dilaw na pahibang may pandikit sa likod) isulat ang inyong mensahe at iwan ninyo sa mga lugar na siguradong makikita nya. Cheap pero atleast inalala nyo sya.
Hindi lahat ng nanay ang takot sa technolohiya. Masmadalas sila pa nga ang malimit at aburido mag-check ng email, hehehe. Padalahan nyo sila ng maski maikling mensahe na “Happy Mother’s Day! :)”. (less than 1 minute on Broadband Internet & 5 minutes or more on dial-up)
ECARD
Maraming libreng serbisyo ang kalat sa Internet para makapagpadala ka ng Ecard o elecronic card sa inyong nanay!
http://www.bluemountain.com
http://www.e-cards.com
http://www.flashcan.com
(5-20 minutes, depende kung mag-sign-up ka pa at pagiging metikoloso sa pagpili ng card)
PHONE / CELLPHONE
Masmaganda na marinig mismo ng ating mga nanay ang ating boses, bakit hindi ninyo sila tawagan at batiin man lang. Long Distance? Sus, gawin mo ginagawa ko… mommy tawag ka pag nabasa mo ito! hehehe.
SMS (Text)
Text, pinaka-simple at mura para ipadama ang inyong pagmamahal sa inyong mga nanay.
Maski I LUV U NANAY sigurado matutuwa na sila. (less than 1 min & 25 keypress)
Wala ka bang load para i-text man lang ang iyong nanay? Hindi na excuse ang sarado ang tindahan para magpaload, bakit ka’nyo? Pwede na kayong magload sa pamamagitan ang credit card o sa bangko nyo. mag-load na!

| Total users online - 5 |
2 Responses for "Happy Mother’s Day"
To my mommy…….HAPPY MOTHERS DAY…. kahit nasan ka man lam mo na miss na kita and alam kong lagi mo kaming binabantayan….Mommy sorry kung di me naging mabuting anak sayo nung buhay ka pa…..wish ko na sana nandito ka ngayon na sa gitna ng lahat ng pagsubok sabay sabay tayong humaharap ….. Mommy thans for being a great mom, bestfrien and a companion …. lam ko masaya ka sa mga narating namin ngayong magkakapatid….. pasensya na kung d me madalas makadalaw sa’yo …. Mommy Iwill always miss you and love you….d kita pagpapalit kahit kanino…And sorry sa lahat alam ko mababasa mo rin to in somehow someway…….I Love You Mommy
To All Nanay’s out there HAPPY MOTHER’S DAY……… and to Mama Jam happy mother’s day
Leave a reply