Rate my blog at PinoyBlog!
-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-+-
We want retzwerx!
photo from reuters - edited by retz - Adobe Photoshop
Sobra pagod ko dahil sa 9am-8pm schedule ko ng klase para sa araw na dumaan (Biyernes). Pagdating ko ng bahay nakahanda na ang pagkain. Wala na, hindi ko na inabutan ang balita, puro telenovela na lang ang mga susunod na palabas. Kaya naman pagkatapos ko kumain, pahinga ng konti (3hours), bukas ng PC at pinuntahan ko ang mga paborito kong blog:


Yugatech
Now what, Cat?
MLQ3
PCIJ at cyempre
Retzwerx

Hmm, karamihan tungkol sa mga pangyayari di ko inabutan maski sa balita man lang. Sa wakas inabot ko ang Insider, kaso nga maski ata utak ko eh sobrang pagod, wala rin akong maintindihan kundi magulo ang mga pinalalabas na footages at mga nagliliparang resignation ng mga cabinet “eh, pano na yan nakasampay na lang ba mga damit ni GMA? wala na lalagyan eh” nakangiwi kong sinabi sabay tingin ng mga kasama ko sa sala at sabi nila “ANO?”. Hahaha, malakas pala boses ko di ko natantsa, sabi ko na lang “Wak nyo na lang muna akong pansinin at pagod na pagod ako baka pati kayo mabara ko!” nadaan ko sila sa darag kaya tahimik ulit.
Natapos ang balita wala ako natandaan kundi ang mga nag-rally sa Makati, YUN LANG AMP!